Ito naman para kay REGINE :) Yan… Requested doodle niya. May isa pang nagrerequest sakin kaso hindi ko pa nasisimulan. Ang tamad ko kasi :)) Sensya na. Gagawin ko rin un kapag nakisama na sa’kin ang kamay ko :D
Doodle para kay Magel :)
Sa tinagal-tagal ko nang natapos ‘to, ngayon ko lang ‘to na-scan. Di ko kasi naibigay nung nagswimming kami sa Batangas. Nakalimutan ko kasi (palusot ko lang yan). Dala-dala ko talaga nung nagswimming kami, kaso nahiya akong ibigay kasi may kasamang letter :D *Hindi na siya madramang letter kasi narealize ko sobrang corny ko. Tama na ang isang madramang letter nung retreat namin. Wahaha!* Bat nga ba ako nahiya talaga? Eh nandun ung iba naming mga kaklase eh.. Baka kapag binigay ko, basahin niya sa kanila (o kaya sakin). Ayoko nang ganun… Nakakahiya! Haha! Pero nagsisisi ako kasi hindi na ako nagkaroon ng chance para ibigay ‘to sa kanya. Badtrip! Pero alam kong one day, maibibigay ko rin sa kanya kahit inamag na at tinubuan na ng mushrooms ang letter ko :P
Buti hindi niya ‘to mababasa. Baka mabatukan niya lang ako at sabihin “GAGA! Ang tanga tanga mo talaga! Ba’t hindi mo binigay?” *Ganyan kasi kami ka-sweet mag-tangahan :)))*
As a high school graduate, I can’t help but to think how much I miss my Alma Matter… ESPECIALLY MY FRIENDS :’(