Whispers to Eternity

You can call me Pam. I'm a freshman student at De La Salle University - Dasmarinas taking up BS Arhitecture.

Eto nga pala ang first ride na sinakyan namin nung nagStarCity kami. Dito ako nagkaroon ng trauma nung bata kaya sobrang kabado ako nung sumakay ulit dito (kahit pambatang ride lang siya). HINDI PALA NAKAKATAKOT! :D

P.S. Ngayon na lang ulit ako makakapagpost dito dahil sa sobrang kaboringan ko ngayong sembreak.

I haven’t slept since yesterday O_O (from 9AM Tuesday [yesterday] till 7PM Wednesday [today] I was and still am wide awake). Why? As usual, I crammed with my plate in Theory of Architecture.

Linya ko for today dahil midterms na namin at kailangan ko na mag-aral. Kailangan ko rin tapusin yung lecheng rendering ng fountain dahil matrabaho magdrawing ganon.. Pero ano nga ba ginawa ko buong araw?

PUCHA! Ano bang dasal ang pwedeng gawin para sapian ako ng kasipagan?

Syempre, kahit college na kami, hanggat maaari, walang kalimutan ng mga high school friends ko. Grabe, so buong maghapon lang kami gumala ng mga Tutubees.. Ngayon na lang ulit ako makakapagblog ng ganto kaya lulubusin ko na :)

First, nagpunta silang Indang kasi binalak namin magjamming.. Kaso wala si Maddy. Wala tuloy kakanta at feeling naman namin magaling kami. Haha! So in short, sayang pagpunta nila kasi nagyakag ako magtagaytay (parang sinundo lang nila ako kasi malapit lang bahay nila dun).
Robinson’s syempre pinunta namin. Grabe, isang oras yata byahe namin papunta. PARANG ANG LAYO E! :)) Tas as usual, picture picture at fun time ang inatupag :)) At mawawala pa ba ang pagfoodtrip? :D *Humanda kayo sa photospam kapag naupload na ni Kate ang pics*

Nagfries kami at kumain din sa Jeepney Restaurant. Unli coffee and cake. 1 cup of coffee and 5 slices of cake kinain namin. Nauta kami e. Pait pa ng coffee :) E mga 7PM na un kasi pa-VIP si Wendy at 6 na siya dumating. Kaya bonding pa rin kaming lahat :)) Namiss masyado e.

Then tick-tock, tick-tock… RIIING! RIIING! MAMA calling (oh, shit). “Pam! Nasan ka na? Gabing gabi na! >:/ Bago mag-8 dapat nandito ka na, okay?”.. E syempre sagot ko okay. Pero 8 na kami umalis ng Rob at 9 na ako nakarating. Wala kasi masyadong jeep na dumadaan pauwi.. Buti na lang may kasabay ako.. Nagpanic pa ako kasi super tagal ng jeep. Haha!

Nung nakarating na akong bahay, ngiting ngiti na lang ako. Buti hindi sila galit. Kinurot lang ako ng tatay ko sabay ngiti! Hahahaha! Woopee! Bitin lang talaga ang gala namin ngayon :(

*Okay, tama na ‘to. Puro gala na lang inaatupag ko.. E tambak ako sa mga plates at mga gagawin. Walang kenta ang long weekend. Parang may pasok din. Haha!*

Yes, I was really happy about the suspension of classes, but I really feel bad about those who are affected by the strong rainfall. I’m sorry for wishing it to rain harder. Nagpatugtog tuloy ako ng Hillsong buong araw nung nakita ko mga pictures ng mga binaha at nawalan ng buhay. Sana wala nang mabawian ng buhay dahil sa baha. Let’s pray for them. 

Monday na naman bukas -_-

Ito na kasi favorite day namin sa isang linggo. Biruin niyo naman, Monday to Thursday pasok namin. Tas may Saturday class pa kami (hanggang 6:30 PM). At hindi lang ‘yon, halos puro 7:00 AM start ng klase namin, hanggang 7:00 PM. Kumusta naman ‘yon? Thursday lang naeenjoy ko.. Kasi hanggang 2:00 PM lang pasok namin.

So ayan, may one hour break kami kanina kaya nagpunta kaming Starbucks at dumaan sa hanging bridge pabalik ng Gate 3. ANG SAYA lang, grabe. Nalate lang ng konti sa klase :))

^Anong sabi ng ngipin ko? Ang cute no? BWAHAHA!!!

^Pero ito kasi talaga. Iniba namin ung pangalan namin sa SB. Syempre, ako si DORA. Si Ashley si Kimi at si Faye naman si Boots. Un kasi talaga :)))

Ang saya-saya lang talaga kasama ng ARC11. Girl-bonding muna kami kanina e ng mga ka-block ko e :))